BREAKING NEWS >>Batang babae, ni Rape muna bago pinatay umano ng lalaki ng dispiras ng bagong taon !!!

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang babaeng pitong-taong-gulang na pinatay at ginahasa sa Basay, Negros Oriental. Ang nadakip na suspek, dati na raw sumuko sa kampanya kotra sa iligal na droga na “Oplang-Tokhang.”

Ayon sa ulat ni Jay Sabale sa GMA News TV’s “Balitanghali” nitong Martes, disperas ng bagong taon nang biglang mawala sa kanilang bahay ang batang biktima.

Sa pagbungad ng bagong taon, nakita ang bangkay ng bata na nakahandusay sa putikan.

Lumitaw sa pagsusuri sa biktima na positibong hinalay ang bata.

Nadakip naman ang suspek na si Jomar Villamater makaraang ituro siya ng ilang saksi na huling nakitang kasama ng biktima bago natagpuan ang bangkay nito.

Ayon sa pulisya, dati nang sumuko sa Oplang Tokhang Jomar Villamater, at inamin nito ang ginawang karumal-dumal na krimen sa bata.

Nahaharap si Villamater sa kasong rape with homicide. — FRJ, GMA News

source : GMA NEWS


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of thenewsph. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Loading...
Facebook Comments