BREAKING NEWS : Duterte: Samahan ako laban vs drugs sa 2017

 

Duterte

Sa kanyang kauna-unahang New Year’s message bilang pangulo, inimbitahan ni Duterte ang taongbayan na tumulong sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga, kriminalidad at korapsyon.

Gayundin aniya sa pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran ng Pilipinas.

Bukod dito, hinihikayat din ng pangulo ang publiko na tumulong sa pagpapasigla ng business environment sa bansa.

“I invite everyone to be our government’s partner in our fight against illegal drugs, criminality, and corruption; and in attaining peace and development in our country,” bahagi ng statement ng Pangulong Duterte.

Paliwanag ni Duterte, sa pamamagitan ng paghikayat sa mga investments at paggawa ng mga trabaho para sa Pilipino, magiging option na lamang sa hinaharap ang pagtrabaho sa ibang bansa at hindi na bilang pangangailangan.

“Let us work together to enliven our business environment by attracting more investments and creating more job opportunities for our people so that, in the near future, working abroad would only be an option for our ‘kababayans’ and not a necessity.”

Samantala, wish naman ng Pangulo sa mga Pilipino ang isang ‘fruitful’ at ‘meaningful’ na Bagong Taon.

Kasabay nito ay ang paghikayat din niya sa publiko na salubungin ang 2017 na may panibagong determinasyon at “reinvigorated spirit” upang mapagtagumpayan naman aniya ang mga naka-amba na mga pagsubok sa hinaharap.

“The achievement of these goals will reclaim order and safety in our communities and will enable us to restore the public’s trust in government and in our capacity to serve.”

Samantala sa Davao City sasalubungin ng chief executive ang bagong taon, tulad din naman ng kanyang ginawa noong Christmas day.

source


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of thenewsph. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Loading...
Facebook Comments