BREAKING NEWS: SEN. TRILLANES SINASABING SI PRES. DUTERTE DAW ANG MASTERMIND SA ESPINOSA SLAY CASE! MUST WATCH


Sinabi ni Sen. Antonio Trillanes, patunay daw dito ang sinabi ng Pangulo na hindi niya hahayaang makulong ang mga nakapatay kay Espinosa, kahit idineklara na ng National Bureau of Investigation (NBI) na rubout ang operasyon ng CIDG-8.

Maliban dito, pinuna rin ni Trillanes ang pagpadrino ng chief executive para kay CIDG 8 head Supt. Marvin Marcos para ito ay maibalik sa puwesto kahit iniuugnay sa isyu ng iligal na droga.

Para naman kay Sen. Leila de Lima, isang impeachable offense ang ginagawa ng Pangulo sa isyung ito.

Gayunman, minaliit ng kaalyado ni Duterte na si Sen. Alan Peter Cayetano ang banta ng mga kritiko ng administrasyon.

~ Source: Bomboradyo, newsmediaph

Facebook Comments

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of thenewsph.com This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.
Loading...

Related Posts

Loading...