I will resign! by Trillanes


screenshot_121
 MANILA, Philippines – “Magre-resign ako sa Senado ‘pag mali ang aking mga paratang na may hindi idineklarang P211 milyong deposito si Mayor Rodrigo Duterte,” mariing pahayag kahapon ni Sen. Antonio Trillanes IV.

Sinabi ng senador na totoo, beripikado at tunay ang kanyang iniulat sa taumbayan tungkol sa “tagong yaman” ng nagpapakilalang malinis at simpleng namumuhay na alkalde ng Davao City.

“Ang pinanggalingan ng aking impormasyon ay mula sa mapagkakatiwalaang mga tao na nakaaalam sa mga deposito ng pamilyang Duterte sa Metro Manila,” sabi ni Trillanes.

Kanya ring inulit ang hamon sa tumatakbong kandidato sa pagka-pre­sidente na si Duterte na lumagda ito sa isang waiver o kasulatan na pumapayag bulatlatin ang kanyang BPI accounts “para malaman ng taumbayan kung sino ang nagsasabi ng totoo at sino ang sinungaling.”

Facebook Comments

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of thenewsph.com This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.
Loading...

Related Posts