SOMEBODY MUST SLAP HER ! DE LIMA: NAGPASALAMAT SA TIWALA, SUPORTA NG TAUMBAYAN


“Maraming maraming salamat po sa inyong di-nagmamaliw na tiwala at suporta. Sa inyong pakikiisa, hindi kailanman mananaig ang kabuktutan at kawalang katarungan,” saad ni Senador Leila de Lima sa kanyang Twitter account.

Bukod sa mensaheng pasasalamat ni De Lima sa suporta ng taumbayan, iginiit din niya na hindi nagtagumpay ang kabuktutan laban sa kanya.
Bumati rin si De Lima ng: “Isang masagana at manigong Bagong Taon sa ating lahat!”
Hinabol ng kontrobersiya at naging masalimuot ang 2016 kay De Lima matapos niyang manalo sa eleksyon, ayon sa ulat ng Abante.
Inakusahan diumano si De Lima na sangkot sa Bilibid drug trade, ngunit mariin naman niyang itinanggi ito.
Siniwalat ng Pangulo ang relasyon ni De Lima sa kanyang dating driver bodyguard na si Ronnie Dayan. Pinag-usapan din ang buhay pag-ibig ni De Lima at ni Dayan, na inamin naman ni De Lima kalaunan.
Sa inisyal na ulat ng Rappler, inaasahan ni De Lima na magkakaroon ng mas higit na paggalang sa karapatang pantao sa bansa, matapos umano ang serye ng mga extrajudicial killings (EJK) nitong 2016.
Dagdag pa ni De Lima: “With God’s guidance, let us unite for a truly peaceful and just county.”
[Sa patnubay ng Diyos, magkaisa tayo para sa isang tunay na mapayapa at makatarungang bansa.]


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of thenewsph. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Facebook Comments

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of thenewsph.com This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.
Loading...

Related Posts

Loading...