NANAY KAY PANGULONG DUTERTE: “SANA MAANTIG ANG PUSO MO”


Labis na nagdadalamhati ang isang ina matapos mapaslang ng mga pulis ang kaniyang anak na  diumano’y nanlaban sa isinagawang buy-bust operation sa Sta. Cruz, Maynila.
“Hindi makatwiran ang ginagawa ng mga tao mo,” ayon kay Mary Flor Corpuz, ina ng biktima.

Napaslang ng mga awtoridad sa Maynila nitong Miyerkules ang target ng buy-bust operation na si Mark Angelo Concepcion, alyas Marky; ito ay ayon sa ulat ng GMA News TV’s “Balitanghali”.
Ayon sa mga awtoridad, nanlaban umano sa mga pulis si Concepcion kaya pinaputukan at napatay.

Nasa drug watchlist  din ng mga awtoridad si Concepcion, at anila, narekober ang baril at nakuhanan ito ng hinihinalang shabu.

Aminado ang ina ni Concepcion na gumagamit ang anak ng iligal na droga at natokhang na ito ngunit hindi raw ito pusher.

Hindi rin naniniwala si Corpuz na nanlaban sa mga pulis ang kaniyang anak.

“Takot sa pulis ang anak ko, takot sa away ang anak ko,” ayon kay Corpuz.
May mensahe rin siyang nais ipaabot  kay Pangulong Duterte.

“Mahal na pangulo, tao lang kami, mahirap pero hindi makatwiran ang ginagawa ng mga tao mo. May mas matataas pero pinangangalagaan ng iba diyan na nakatataas, hindi nahuhuli, ‘di napapatay. Pero kung sino ‘yung maliit, ‘yon ang pinapatay nila,” pahayag ng ginang.

Dagdag pa niya: “Sana maantig ang puso mo kung totoong tao ka, kung totoong ama ka ng sambayanan.”


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of thenewsph. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Facebook Comments

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of thenewsph.com This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.
Loading...

Related Posts