WATCH: Babala ni Duterte sa mga taxi driver na rapist: “Puputulan ko kayo ng ari”

Pasasabugin o hindi kaya ay puputulan ng ari ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga taxi driver na nanggagahasa ng kanilang mga pasahero.

Paliwanag pa ng pangulo, lalabas siya ng Malakanyang na hindi kasama ang mga tauhan ng Presidential Security Group at magpapanggap na isang ordinaryong pasahero.

Aminado ang pangulo na tinatakot niya ang mga driver para hindi na gumawa ng kalokohan.

 

Sinabi rin ni Duterte na ipa-aaresto niya sa Philippine National Police ang mga driver ng taxi, jeep, bus at iba pang pampublikong sasakyan na naniningil ng sobra sa mga pasahero o hindi nagbibigay ng tamang sukli sa pasahe.

Paliwanag ng pangulo, ito ay dahil sa malinaw na kaso ng estafa o swindling.

Kung nais aniya ng mga driver ng dagdag kita, dapat magpetisyon sila sa LTFRB ng dagdag-pasahe.

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of thenewsph. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Loading...
Facebook Comments